Mga Episodes

Cedie, Ang Munting Prinsipe


Naalala mo pa ba ito? Paulit ulit itong ipinalalabas sa TV noon at paulit ulit ko ring pinapanood. Isang kwentong puno ng laraqwan at halimbawa ng pagmamahal, paggalang, pagpapatawad at pagpapatuloy sa buhay.

Pati lola ko sinubaybayan ito. Isang kwentong talaga namang kapupulutan ng aral at di mo pagsasawaan. He he he... Paulit ulit akong pinaiyak, pinangiti at tinuruang magmahal, magpatawad at matuto sa mga aral na hatid ng kwento ni Cedie.


At kapag ipinalabas ulit ito, susubaybayan ko ulit at ipapanood sa mga anak ko.

Susubukan kong maghanap ng DVD Copy nito. Baka me alam ka, message mo ko ha!